Ang “BELIEVERS IN JESUS CHRIST THE LORD CONGREGATION” o KALIPUNAN NG MGA
MANANAMPALATAYA KAY JESU-CRISTONG PANGINOON, ay isang grupo o kalipunan ng mga
tao na sumasampalataya sa ating Panginoong Jesucristo. Ang sa atin ay isang pangrelihiyong kalipunan
o grupo, na katulad at bahagi lamang ng kabuuang katawan ng lahat ng mga
mananampalataya, na siyang iglesiyang itinatag ng ating Panginoong Jesucristo
(MATEO 16:18).
Ito ay hindi nangangahulugan na tayo
lamang ang tanging mga tao sa sanglibutan na sumasampalataya sa Kaniya. Ang lahat ng mga tao sa sanglibutan, na sila
na ayon sa Evangelio, sumampalataya sa ating Panginoong Jesucristo, ay mga
tinawag ng Dios sa pakikisama sa Kaniyang Anak at upang matamo ang
kaluwalhatian ng ating Panginoong Jesucristo.
Ating kinikilala at tinatanggap na bukod sa atin ay may iba pang mga tao
sa buong sanglibutan na sumasamplataya sa ating Panginoong Jesucristo dahil sa
sinasabi ng Biblia:
Juan
3:16 Sapagka't gayon na lamang ang pagsinta ng
Dios sa sanglibutan, na ibinigay niya ang kaniyang bugtong na Anak, upang ang
sinomang sa kaniya'y sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buhay
na walang hanggan.
“...UPANG
ANG SANGLIBUTAN AY SUMAMPALATAYA
NA IKAW ANG NAGSUGO SA AKIN.” (JUAN 17:21).
No comments:
Post a Comment