14. SA PANGKALAHATANG PANINIWALA NA ANG MGA
MANANAMPALATAYA KAY CRISTO AY BUMUBUO NG BAHAGI NG TUNAY NA IGLESIA, ANG
TINATANGGAP NA PANGUNAHING TUNGKULIN NG BAWA’T SUMASAMPALATAYA AY ANG PAGSAMBA
AT PAGLUWALHATI SA DIOS. ANG PAGPAPAYO
SA ATIN MULA SA BANAL NA BIBLIA NA HUWAG NATING PABAYAAN ANG ATING PAGKAKATIPON
AY IPINANAWAGAN. Ang mga pagsamba
tuwing araw ng Linggo at ang ibang mga pagtitipon sa pag-aaralan ng Biblia ay
isinasakatuparan at ginaganap upang mapag-ibayo at mapagtibay ang
pananampalataya at kaliwanagan ng isipan ang bawa’t mananampalataya sa kaniyang
pagsamba sa Dios (Heb. 10:25; 1Ped 2:2; Juan 17:17).
Heb
10:25 Na huwag nating pabayaan ang ating
pagkakatipon, na gaya ng ugali ng iba, kundi mangagaralan sa isa't isa; at lalo
na kung inyong namamalas na nalalapit na ang araw.
1Pe
2:2 Gaya ng mga sanggol na bagong panganak ay
nasain ninyo ang gatas na walang daya na ukol sa espiritu, upang sa pamamagitan
nito'y magsilago kayo sa ikaliligtas;
Joh
17:17 Pakabanalin mo sila sa katotohanan: ang
salita mo'y katotohanan.
15 . KAYA NGA, TAYO AY NANANAMPALATAYA AT MASASABI
NATIN NA ANG BANAL NA BIBLIA AY SIYANG PINAGTUTUUNAN NG KAUKULAN NG BAWA’T
MANANAMPALATAYA NA NAGNANAIS NA LUMAGO SA KANIYANG BUHAY CRISTIANO, UPANG
MADAGDAGAN ANG KAALAMAN SA DIOS, MAIWASAN ANG MGA PAGKAKAMALI AT MAIPALAGANAP
ANG PANANAMPALATAYA.
-WAKAS-
No comments:
Post a Comment