Muling Pagsilang


     8.  TAYO AY NANANAMPALATAYA SA MULING PAGSILANG (BORN-AGAIN) AT ANG KAILANGAN DITO AY ANG PANANAMPALATAYA SA CRISTO.  Sa pamamagitan ng muling pagsilang ang mananampalataya ay mabubuhay kay Cristo at sa mananampalataya kay Cristo.  Ang tao ay magiging isang bagong nilalang sa sandaling siya ay sumampalataya at ito ay ang gawa ng Espiritu Santo (JUAN 3:3-6; 1:12,13;  3:14,15,18).

Juan 3:3  Sumagot si Jesus at sa kaniya'y sinabi, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa iyo, Maliban na ang tao'y ipanganak na muli, ay hindi siya makakakita ng kaharian ng Dios.
Juan 3:4  Sinabi sa kaniya ni Nicodemo, Paanong maipanganganak ang tao kung siya'y matanda na? makapapasok baga siyang bilang ikalawa sa tiyan ng kaniyang ina, at ipanganak?
Juan 3:5  Sumagot si Jesus, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa iyo, Maliban na ang tao'y ipanganak ng tubig at ng Espiritu, ay hindi siya makapapasok sa kaharian ng Dios.
Juan 3:6  Ang ipinanganak ng laman ay laman nga; at ang ipinanganak ng Espiritu ay espiritu nga.

Juan 1:12  Datapuwa't ang lahat ng sa kaniya'y nagsitanggap, ay pinagkalooban niya sila ng karapatang maging mga anak ng Dios, sa makatuwid baga'y ang mga nagsisisampalataya sa kaniyang pangalan:
Juan 1:13  Na mga ipinanganak na hindi sa dugo, ni sa kalooban ng laman, ni sa kalooban ng tao, kundi ng Dios.
Juan 3:14  At kung paanong itinaas ni Moises sa ilang ang ahas, ay gayon kinakailangang itaas ang Anak ng tao;
Juan 3:15  Upang ang sinomang sumampalataya ay magkaroon sa kaniya ng buhay na walang hanggan.

Juan 3:18  Ang sumasampalataya sa kaniya ay hindi hinahatulan; ang hindi sumasampalataya ay hinatulan na, sapagka't hindi siya sumampalataya sa pangalan ng bugtong na Anak ng Dios. 

No comments:

Post a Comment