BAUTISMO

     9.  TAYO AY NANANAMPALATAYA NA ANG BAUTISMO AY PARA SA MGA MANANAMPALATAYA AT ISINASAGAWA SA PAMAMAGITAN NG PAGLULUBOG SA TUBIG.  Na ang bautismo ay isang panlabas na kaanyuan ng pagtanggap sa biyaya ng Dios na kung saan ang tao ay nagkakaroon ng pakikisama sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo Jesus bilang kaniyang tagapagligtas at napapabilang na kasangkap ng bayan ng Dios.  Na ang bautismo ay sumisimbulo sa kamatayan, paglilibing at pagkabuhay na mag-uli ng ating Panginoong Jesucristo.  Na kung ang mananampalataya ay tumanggap ng pagbabautismo sa tubig ay kaniyang ipinahahayag ang kaniyang pananampalataya sa kamatayan, paglilibing at pagkabuhay na mag-uli ng Panginoong Jesucristo (GAWA 16:30-33; 8:38-39; MARCOS 1:10; JUAN 3:23; ROMA 6:4-5; COLOSAS 2:12).

          Binautismuhan ang Bantay-bilanguan – inaralan, nanampalataya

Gawa 16:30  At sila'y inilabas at sinabi, Mga ginoo, ano ang kinakailangan kong gawin upang maligtas?
Gawa 16:31  At kanilang sinabi, Manampalataya ka sa Panginoong Jesus, at maliligtas ka, ikaw at ang iyong sangbahayan.
Gawa 16:32  At sa kaniya'y sinalita nila ang salita ng Panginoon, pati sa lahat ng nangasa kaniyang bahay.
Gawa 16:33  At sila'y kaniyang kinuha nang oras ding yaon ng gabi, at hinugasan ang kanilang mga latay; at pagdaka'y binautismuhan, siya at ang buong sangbahayan niya.

Pagbabautismo sa Bating – Pananampalataya bago bautismuhan

Act 8:36  Sa kanilang pagpapatuloy sa daan, nakarating sila sa may tubig, at sinabi ng eunuko, "Tingnan mo, narito ang tubig! Ano ang nakakahadlang upang ako'y mabautismuhan?" (ABAB)
 Act 8:37  At sinabi ni Felipe Kung nanampalataya ka ng buong puso ay mangyayari. At sumagot siya at sinabi: Sumasampalataya ako na si Jesu-Cristo ay Anak ng Dios. (ABAB)
Gawa 8:38  At ipinagutos niyang itigil ang karo: at sila'y kapuwa lumusong sa tubig, si Felipe at ang bating; at kaniyang binautismuhan siya.
Gawa 8:39  At nang magsiahon sila sa tubig, ay inagaw si Felipe ng Espiritu ng Panginoon; at hindi na siya nakita ng bating, sapagka't ipinagpatuloy niya ang kaniyang lakad na natutuwa.

Binautismuhan si Jesus

Mar 1:10  At karakarakang pagahon sa tubig, ay nakita niyang biglang nangabuksan ang mga langit, at ang Espiritu na tulad sa isang kalapati na bumababa sa kaniya:

Nagbabautismo si Juan sa dako na maraming tubig

Juan 3:23  At bumabautismo rin naman si Juan sa Enon na malapit sa Salim, sapagka't doo'y maraming tubig: at sila'y nagsiparoon, at nangabautismuhan.

Bautismo – itinulad sa paglilibing

Rom 6:4  Tayo nga'y nangalibing na kalakip niya sa pamamagitan ng bautismo sa kamatayan: na kung paanong si Cristo ay nabuhay na maguli sa mga patay sa pamamagitan ng kaluwalhatian ng Ama, ay gayon din naman tayo'y makalalakad sa panibagong buhay.
Rom 6:5  Sapagka't kung tayo nga ay naging kalakip niya dahil sa kawangisan ng kaniyang kamatayan, ay magkakagayon din naman tayo dahil sa kawangisan ng kaniyang pagkabuhay na maguli;
Col 2:12  Na nangalibing na kalakip niya sa bautismo, na kayo nama'y muling binuhay na kalakip niya, sa pamamagitan ng pananampalataya sa pagawa ng Dios, na muling bumangon sa kaniya sa mga patay.


No comments:

Post a Comment