5. TAYO
AY NANANAMPALATAYA NA ANG ANAK, ANG ATING PANGINOONG JESUCRISTO AY DIOS,
DATAPUWA’T HINDI SIYA ANG AMA (ISAIAS 9:6; JUAN 1:1; 20:28-29; FILIPOS
2:8,6 at HEBREO 1:8).
Isa 9:6
Sapagka't sa atin ay ipinanganak ang isang bata, sa atin ay ibinigay ang
isang anak na lalake; at ang pamamahala ay maaatang sa kaniyang balikat: at ang
kaniyang pangalan ay tatawaging Kamanghamangha, Tagapayo, Makapangyarihang
Dios, Walang hanggang Ama, Pangulo ng Kapayapaan.
Juan
1:1 Nang pasimula siya ang Verbo, at ang Verbo ay
sumasa Dios, at ang Verbo ay Dios.
Juan
20:28 Sumagot si Tomas, at sa kaniya'y sinabi,
Panginoon ko at Dios ko.
Juan
20:29 Sinabi sa kaniya ni Jesus, Sapagka't ako'y
nakita mo ay sumampalataya ka: mapapalad yaong hindi nangakakita, at gayon ma'y
nagsisampalataya.
Pil 2:8 At
palibhasa'y nasumpungan sa anyong tao, siya'y nagpakababa sa kaniyang sarili,
na nagmasunurin hanggang sa kamatayan, oo, sa kamatayan sa krus.
Heb 1:8
Nguni't tungkol sa Anak ay sinasabi, Ang iyong luklukan, Oh Dios, ay
magpakailan man; At ang setro ng katuwiran ay siyang setro ng iyong kaharian.
Pil 2:6 Na
siya, bagama't nasa anyong Dios, ay hindi niya inaring isang bagay na nararapat
panangnan ang pagkapantay niya sa Dios,
No comments:
Post a Comment