Amang Dios na Makapangyarihan sa Lahat



   2.   TAYO AY NANANAMPALATAYA SA ISANG DIOS NA MAKAPANGYARIHAN SA LAHAT, ANG AMA NA NASA IBABAW NG LAHAT AT WALANG KAPANTAY, NA SA KANIYA ANG LAHAT NG MGA BAGAY.  Na sa Kaniyang kagandahang-loob ay ipinahayag Niya ang Kaniyang sarili sa mga may kamatayan at makasalanang tao, upang dalhin sila sa buhay na pakikisama sa Kaniya (GENESIS 17:1; EFESO 4:6; 1 CORINTO 8:6).

Gen 17:1  At nang si Abram ay may siyam na pu't siyam na taon, ay napakita ang Panginoon kay Abram, at sa kaniya'y nagsabi, Ako ang Dios na Makapangyarihan sa lahat lumakad ka sa harapan ko, at magpakasakdal ka.


Efe 4:6  Isang Dios at Ama ng lahat, na siyang sumasa ibabaw sa lahat, at sumasa lahat, at nasa lahat.

1Co 8:6  Nguni't sa ganang atin ay may isang Dios lamang, ang Ama, na buhat sa kaniya ang lahat ng mga bagay, at tayo'y sa kaniya; at isa lamang Panginoon, si Jesucristo, na sa pamamagitan niya ang lahat ng mga bagay, at tayo'y sa pamamagitan niya. 

No comments:

Post a Comment