Biblia - Panuntunan ng Pananampalataya


   1.    TAYO AY NANANAMPALATAYA NA ANG BANAL NA BIBLIA AY KINASIHAN NG DIOS AT NAGLALAMAN NG MGA PAHAYAG NG DIOS TUNGKOL SA KANIYANG SARILI, NG KANIYANG LAYUNIN AT NG KANIYANG KALOOBAN SA TAO SA IBA’T IBANG KAPARAANAN.  

           Bagama’t mayroon tayong matututunan tungkol sa Dios sa daigdig sa ating kapaligiran, mula sa kasaysayan ng tao at mula sa mga kasulatang iniakda ng mga dakilang tao, gayonpaman ang ating pinakasukdulan at pinakamataas na pinagkukunan ng kung saan ang ibang pinagkukunan ay kailangang masubok ay ang Banal na Biblia.  Ang Banal na Biblia ay siyang panuntunan ng pananampalataya at ng mga pag-uugaling Cristiano para sa mga mananampalataya (2 TIMOTEO 3:15-17).

       2Tim 3:15  At mula sa pagkasanggol ay iyong nalalaman ang mga banal na kasulatan na makapagpadunong sa iyo sa ikaliligtas sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo Jesus.

     2Tim 3:16  Ang lahat ng mga kasulatan na kinasihan ng Dios ay mapapakinabangan din naman sa pagtuturo, sa pagsansala, sa pagsaway, sa ikatututo na nasa katuwiran:

     2Tim 3:17  Upang ang tao ng Dios ay maging sakdal, tinuruang lubos sa lahat ng mga gawang mabuti. 

No comments:

Post a Comment