Espiritu Santo



4.  TAYO AY NANANAMPALATAYA NA ANG ESPIRITU SANTO AY SINUGO NG DIOS AMA SA PANGALAN NG KANIYANG ANAK, NA SI JESUCRISTO.  ANG ESPIRITU SANTO AY ANG MANG-AALIW NA SINUGO DIN NG ANAK MULA SA AMA (JUAN 14:26; 15:26; 16:7-14).



Juan 14:26  Datapuwa't ang Mangaaliw, sa makatuwid baga'y ang Espiritu Santo, na susuguin ng Ama sa aking pangalan, siya ang magtuturo sa inyo ng lahat ng mga bagay, at magpapaalaala ng lahat na sa inyo'y aking sinabi.
Juan 15:26  Datapuwa't pagparito ng Mangaaliw, na aking susuguin sa inyo mula sa Ama, sa makatuwid baga'y ang Espiritu ng katotohanan, na nagbubuhat sa Ama, ay siyang magpapatotoo sa akin:
Juan 16:7  Gayon ma'y sinasalita ko sa inyo ang katotohanan: Nararapat sa inyo na ako'y yumaon; sapagka't kung hindi ako yayaon, ang Mangaaliw ay hindi paririto sa inyo; nguni't kung ako'y yumaon, siya'y susuguin ko sa inyo.
Juan 16:8  At siya, pagparito niya, ay kaniyang susumbatan ang sanglibutan tungkol sa kasalanan, at sa katuwiran, at sa paghatol:
Juan 16:9  Tungkol sa kasalanan, sapagka't hindi sila nagsisampalataya sa akin;
Juan 16:10  Tungkol sa katuwiran, sapagka't ako'y paroroon sa Ama, at hindi na ninyo ako makikita;
Juan 16:11  Tungkol sa paghatol, sapagka't ang prinsipe ng sanglibutang ito ay hinatulan na.
Juan 16:12  Mayroon pa akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni't ngayon ay hindi ninyo mangatitiis.
Juan 16:13  Gayon ma'y kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan: sapagka't hindi siya magsasalita ng mula sa kaniyang sarili; kundi ang anomang bagay na kaniyang marinig, ang mga ito ang kaniyang sasalitain: at kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating.

Juan 16:14  Luluwalhatiin niya ako: sapagka't kukuha siya sa nasa akin, at sa inyo'y ipahahayag. 

No comments:

Post a Comment