10. TAYO AY NANANAMPALATAYA NA ANG PANGINOONG
JESUCRISTO AY NAGTATAG NG KANIYANG IGLESIA NA SIYANG KATAWAN NIYA AT ANG
IGLESIYANG ITO AY ANG TUNAY NA IGLESIA NA KANIYANG ILILIGTAS. Na ang tunay na Iglesia ay
ang kalipunan ng mga lalake’t mga babae na may pagtatapat sa Dios at
sumasampalataya sa Kaniyang Anak na si Jesucristo na tinipon ng Espiritu Santo
sa isang katawan, na kung saan si Cristo ang ulo na dito ang mga ipinanganak na
muli (born-again) lamang ang napabibilang anoman ang lahi nila (1 CORINTO
12:12,13; EFESO 1:22,23; 5:23; COLOSAS 3:11; MATEO 16:18; GAWA 8:1,3; 22:17-19,
8; JUAN 3:16-18; 17:18-20; 2TimMOTEO 3:15; ROMA 12:4-8).
Bawat
isa ay kasama sa iglesia, bagamat marami ay iisang katawan
1Co
12:12 Sapagka't kung paanong ang katawan ay iisa,
at mayroong maraming mga sangkap, at ang lahat ng mga sangkap ng katawan,
bagama't marami, ay iisang katawan; gayon din naman si Cristo.
1Co 12:13
Sapagka't sa isang Espiritu ay binabautismuhan tayong lahat sa isang
katawan, maging tayo'y Judio o Griego, maging mga alipin o mga laya; at tayong
lahat ay pinainom sa isang Espiritu.
Si Cristo ang pangulo ng iglesia (katawan ni
Cristo) at Siya rin ang tagapagligtas nito.
Efe
1:22 At ang lahat ng mga bagay ay pinasuko niya sa
ilalim ng kaniyang mga paa, at siyang pinagkaloobang maging pangulo ng lahat ng
mga bagay sa iglesia,
Efe 1:23 Na
siyang katawan niya, na kapuspusan niyaong pumupuspos ng lahat sa lahat.
Efe
5:23 Sapagka't ang lalake ay pangulo ng kaniyang
asawa, gaya naman ni Cristo na pangulo ng iglesia, na siya rin ang
tagapagligtas ng katawan.
Hindi na mahalaga
ang lahi – dahil ang lahat ay iisa kay Cristo
Col
3:11 Doo'y hindi maaaring magkaroon ng Griego at
ng Judio, ng pagtutuli at ng di pagtutuli, ng barbaro, ng Scita, ng alipin, ng
laya; kundi si Cristo ang lahat, at sa lahat.
Pagdedeklara ni Cristo na magtatayo ng Iglesia
Mat
16:18 At sinasabi ko naman sa iyo, na ikaw ay
Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesia; at ang mga
pintuan ng Hades ay hindi magsisipanaig laban sa kaniya.
Natayo ang iglesia –
may iglesiang inusig sa Jerusalem
Gawa
8:1 At si Saulo ay sumangayon sa kaniyang
pagkamatay. At nang araw na yao'y nangyari ang isang malaking paguusig laban sa
iglesia na nasa Jerusalem; at silang lahat ay nagsipangalat sa lahat ng mga
dako ng Judea at Samaria, maliban na sa mga apostol.
Gawa 8:2 At
inilibing si Esteban ng mga taong masipag sa kabanalan, at siya'y tinangisan ng
di kawasa.
Gawa 8:3
Datapuwa't pinuksa ni Saulo ang iglesia, na pinapasok ang bahay-bahay,
at kinakaladkad ang mga lalake't mga babae, at sila'y ipinapasok sa bilangguan.
Mga Mananampalataya kay
Cristo ang tinatawag na iglesia (ito nga ang inusig sa Jerusalem)
Gawa
22:17 At nangyari, na, nang ako'y makabalik na sa
Jerusalem, at nang ako'y nananalangin sa templo ay nawalan ako ng diwa,
Gawa
22:18 At siya'y nakita ko na nagsasabi sa akin,
Magmadali ka, at umalis ka agad sa Jerusalem; sapagka't hindi nila tatanggapin
sa iyo ang patotoo tungkol sa akin.
Gawa
22:19 At aking sinabi, Panginoon, napagtatalastas
nila na ako ang nagbilanggo at humampas sa bawa't sinagoga sa mga
nagsisisampalataya sa iyo:
Gawa
22:8 At ako'y sumagot, Sino ka baga, Panginoon? At
sinabi niya sa akin, Ako'y si Jesus na taga Nazaret, na iyong pinaguusig.
Juan
3:16 Sapagka't gayon na lamang ang pagsinta ng
Dios sa sanglibutan, na ibinigay niya ang kaniyang bugtong na Anak, upang ang
sinomang sa kaniya'y sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buhay
na walang hanggan.
Juan 3:17
Sapagka't hindi sinugo ng Dios ang Anak sa sanglibutan upang hatulan ang
sanglibutan; kundi upang ang sanglibutan ay maligtas sa pamamagitan niya.
Juan 3:18 Ang
sumasampalataya sa kaniya ay hindi hinahatulan; ang hindi sumasampalataya ay
hinatulan na, sapagka't hindi siya sumampalataya sa pangalan ng bugtong na Anak
ng Dios.
Juan
17:18 Kung paanong ako'y iyong sinugo sa
sanglibutan, sila'y gayon ding sinusugo ko sa sanglibutan.
Juan
17:19 At dahil sa kanila'y pinabanal ko ang aking
sarili, upang sila naman ay mangagpakabanal sa katotohanan.
Juan
17:20 Hindi lamang sila ang idinadalangin ko, kundi
sila rin naman na mga nagsisisampalataya sa akin sa pamamagitan ng kanilang
salita;
2Tim
3:15 At mula sa pagkasanggol ay iyong nalalaman
ang mga banal na kasulatan na makapagpadunong sa iyo sa ikaliligtas sa
pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo Jesus.
Rom
12:4 Sapagka't kung paanong sa isang katawan ay
mayroong tayong maraming mga sangkap, at ang lahat ng mga sangkap ay hindi
pareho ang gawain:
Rom 12:5 Ay
gayon din tayo, na marami, ay iisang katawan kay Cristo, at mga sangkap na
samasama sa isa't isa.
Rom 12:6 At
yamang may mga kaloob na nagkakaibaiba ayon sa biyaya na ibinigay sa atin, kung
hula, ay manganghula tayo ayon sa kasukatan ng ating pananampalataya;
Rom 12:7 O
kung ministerio, ay gamitin natin ang ating sarili sa ating ministerio; o ang
nagtuturo, ay sa kaniyang pagtuturo;
Rom 12:8 O ang
umaaral, ay sa kaniyang pagaral: ang namimigay, ay magbigay na may
magandang-loob; ang nagpupuno, ay magsikap; ang nahahabag ay magsaya.
No comments:
Post a Comment