JESUS, MULA NG WALANG HANGGAN

     7.  TAYO AY NANANAMPALATAYA NA ANG PANGINOONG JESUCRISTO AY MAYROON NG KALAGAYAN NA KASAMA NG AMA BAGO PA LAMANG LALANGIN ANG LAHAT NG MGA BAGAY.  Na Siya ay mayroon ng kalagayan bago maganap ang “birhen na pagsilang” na gaya ng itinatadhana ng Matandang Tipan at ipinahahayag ng Bagong Tipan (JUAN 1:1-3; 8:58; 6:62; APOCALIPSIS 3:14; MICAS 5:2; ISAIAS 7:14; MATEO 1:18-25).

Juan 1:1  Nang pasimula siya ang Verbo, at ang Verbo ay sumasa Dios, at ang Verbo ay Dios.
Juan 1:2  Ito rin nang pasimula'y sumasa Dios.
Juan 1:3  Ang lahat ng mga bagay ay ginawa sa pamamagitan niya; at alin man sa lahat ng ginawa ay hindi ginawa kung wala siya.

Juan 8:58  Sinabi sa kanila ni Jesus, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Bago ipinanganak si Abraham, ay ako nga.

Apoc 3:14  At sa anghel ng iglesia sa Laodicea ay isulat mo: Ang mga bagay na ito ay sinasabi ng Siya Nawa, ng saksing tapat at totoo, ng pasimula ng paglalang ng Dios:

Mic 5:2  Nguni't ikaw, Beth-lehem Eferata, na maliit upang lumagay sa libolibo ng Juda, mula sa iyo ay lalabas sa akin ang isa na magpupuno sa Israel; na ang pinagbuhatan niya ay mula nang una, mula nang walang hanggan.

Isa 7:14  Kaya't ang Panginoon nga ay magbibigay sa inyo ng tanda; narito, isang dalaga ay maglilihi, at manganganak ng isang lalake, at tatawagin ang kaniyang pangalan na Emmanuel.

Mat 1:18  Ang pagkapanganak nga kay Jesucristo ay ganito: Nang si Maria na kaniyang ina ay magaasawa kay Jose, bago sila magsama ay nasumpungang siya'y nagdadalang-tao sa pamamagitan ng Espiritu Santo.

Ang Katuparan sa Bagong Tipan:

Mat 1:19  At si Jose na kaniyang asawa, palibhasa'y lalaking matuwid, at ayaw na ihayag sa madla ang kaniyang kapurihan, ay nagpasiyang hiwalayan siya ng lihim.
Mat 1:20  Datapuwa't samantalang pinagiisip niya ito, narito, ang isang anghel ng Panginoon ay napakita sa kaniya sa panaginip, na nagsasabi: Jose, anak ni David, huwag kang mangamba sa pagtanggap kay Maria na iyong asawa: sapagka't ang kaniyang dinadalang-tao ay sa Espiritu Santo.
Mat 1:21  At siya'y manganganak ng isang lalake; at ang pangalang itatawag mo sa kaniya'y JESUS; sapagka't ililigtas niya ang kaniyang bayan sa kanilang mga kasalanan.
Mat 1:22  At nangyari nga ang lahat ng ito, upang maganap ang sinalita ng Panginoon sa pamamagitan ng propeta, na nagsasabi,
Mat 1:23  Narito, ang dalaga'y magdadalang-tao at manganganak ng isang lalake, At ang pangalang itatawag nila sa kaniya ay Emmanuel; na kung liliwanagin, ay sumasa atin ang Dios.
Mat 1:24  At nagbangon si Jose sa kaniyang pagkakatulog, at ginawa niya ang ayon sa ipinagutos sa kaniya ng anghel ng Panginoon, at tinanggap ang kaniyang asawa;
Mat 1:25  At hindi nakilala siya hanggang sa maipanganak ang isang lalake: at tinawag niya ang kaniyang pangalang JESUS.


No comments:

Post a Comment