MGA PANGUNAHING PANINIWALA ("FUNDAMENTAL BELIEFS"):
Ang paglalahad na ito ay inihanda para sa
kalipunan sa layuning linawin ang kaunawaan at mga pananagutan sa kamalayan at
handang pagsunod sa ating mga tungkulin gayon din ang ating pananagutan sa
Dios, ang Banal na Ama at kay Cristo Jesus, ang Banal na Anak, na Siyang ating
Panginoon, habang tayo ay nabubuhay sa pamamagitan ng pananampalataya.
Sa pamamagitan ng biyaya ng ating Panginoong Jesucristo, at sa pag-ibig ng Dios, at sa pakikisama ng Espiritu Santo, ay ganap ang ating pagkakatiwala sa kanilang tulong at gabay na tulad sa kalooban ng Dios ayon sa Kaniyang mabuting layunin.
Ang mga Mananampalataya kay Cristo ay nananangan sa ilang mga pangunahing paniniwala, na ang Mga Banal na Kasulatan bilang pangulong pinanggagalingan nito, samakatuwid ang mga sumusunod na doktrina, bukod sa iba pang mga itinuturo ng Banal ng Biblia.
No comments:
Post a Comment