13. TAYO AY NANANAMPALATAYA NA UPANG MARATING
NATIN ANG KASAKDALAN SA HARAP NG DIOS AY TUNGKULIN NATING UMIBIG SA ATING
KAPUWA KASAMA NA MAGING ANG ATING MGA KAAWAY, GUMAWA NG MABUTI SA LAHAT NG MGA
TAO AT HUWAG GUMANTI NG MASAMA SA MASAMA (MATEO 5:44-48;
22:39; ROMA 12:14,17-20).
Mat
5:44 Datapuwa't sinasabi ko sa inyo, Ibigin ninyo
ang inyong mga kaaway, at idalangin ninyo ang sa inyo'y nagsisiusig;
Mat 5:45 Upang
kayo'y maging mga anak ng inyong Ama na nasa langit: sapagka't pinasisikat niya
ang kaniyang araw sa masasama at sa mabubuti, at nagpapaulan sa mga ganap at sa
mga hindi ganap.
Mat 5:46
Sapagka't kung kayo'y iibig sa nangagsisiibig lamang sa inyo, ano ang
ganti na inyong kakamtin? hindi baga gayon din ang ginagawa ng mga maniningil
ng buwis?
Mat 5:47 At
kung ang mga kapatid lamang ninyo ang inyong babatiin, ano ang kalabisan ng
inyong ginagawa? hindi baga gayon din ang ginagawa ng mga Gentil?
Mat 5:48 Kayo
nga'y mangagpakasakdal, na gaya ng inyong Ama sa kalangitan na sakdal.
Mat
22:39 At ang pangalawang katulad ay ito, Iibigin mo
ang iyong kapuwa na gaya ng iyong sarili.
Rom
12:14 Pagpalain ninyo ang mga sa inyo'y
nagsisiusig; pagpalain ninyo, at huwag ninyong sumpain.
Rom
12:17 Huwag kayong mangagbayad sa kanino man ng masama
sa masama. Isipin ninyo ang mga bagay na kapuripuri sa harapan ng lahat ng mga
tao.
Rom
12:18 Kung maaari, ayon sa inyong makakaya, ay
magkaroon kayo ng kapayapaan sa lahat ng mga tao.
Rom 12:19 Huwag
kayong mangaghigantihan, mga iniibig, kundi bigyan ninyong daan ang galit ng
Dios: sapagka't nasusulat, Akin ang paghihiganti; ako ang gaganti, sabi ng
Panginoon.
Rom 12:20
Kaya't kung ang iyong kaaway ay magutom, pakanin mo; kung siya'y mauhaw,
painumin mo: sapagka't sa paggawa mo ng gayon ay mga baga ng apoy ang ibubunton
mo sa kaniyang ulo.
Rom 12:21 Huwag
kang padaig sa masama, kundi bagkus daigin mo ng mabuti ang masama.
No comments:
Post a Comment