Ang Pagtitipon ng mga Cristiano
Ang pagtitipon ng mga Cristiano ay mahalaga dahil
kung hindi ay hindi na sana iniutos ito sa Biblia at ang mga unang Cristiano sa
Biblia ay hindi na sana nagtipon.
Ang pagtitipon na ating tinutukoy ngayon ay
pangkaraniwang tinatawag, sa ating panahon, na Pananambahan na ginaganap
pangkaraniwan tuwing araw ng Linggo. May mga local congregation o churches naman
na isinasagawa ito ng ibang araw bukod sa araw ng Linggo. Ang iba ay tinawag
nila itong Sunday Worship Services, Worship Service, Pagsamba at iba pa. Anoman ang katawagan dito ay hindi na marahil
pagtatalunan. Ang mahalaga ay nagsasagawa
ng pagtitipon ang mga Lokal Churches.
Bakit ba mahalaga
ang patuloy na pagdalo ng mga Cristiano sa mga pagtitipon? Ito ba ay utos mula sa Dios? Dapat ba nating pabayaan ang pagdalo sa mga
pagtitipon? Ikaw ba kapatid at kaibigan,
dumadalo ka ba sa mga pagtitipon ng inyong church? Madalas ka bang mag-absent? Mahalaga ba sa iyo ang pagdalo. Ito ba ay naging bahagi na ng iyong
buhay? Ano ang iyong pananaw tungkol
dito?
Pag-aralan po natin
ang ilang mahahalagang pagtuturo ng Biblia tungkol sa pagdalo ng mga Cristiano
sa mga pananamabahan at pagtitipon:
UNA: Dapat nating tanggapin na ang pagdalo sa
pagtitipon ay utos at aral ng Dios sa panahong Cristiano o sa Bagong
Tipan. Mababasa po natin ito sa Bagong
Tipan, dito po sa Hebreo 10:25 ay ganito po ang sinasabi: (Ang Biblia)
Heb 10:25 na huwag nating pabayaan ang ating pagtitipon, gaya ng ugali ng iba, kundi palakasin ang loob ng isa't isa, lalung-lalo na kapag inyong nakikita na papalapit na ang Araw.
Ang sabi po ay “huwag nating pabayaan ang ating
pagtitipon”. Sa papaanong paraan
na napababayaan ng isang kapatid ang pagtitipon? Ang ating nakikitang pangunahing paraan ng
pagpapabaya sa ating pagtitipon ay ang pagliban o pag-absent o hindi
pagdalo. Kaya nga nang isalin ito sa
Revised Tagalog Popular Version ay ganito ang naisulat:
Heb 10:25 Huwag nating kaliligtaan ang pagdalo sa ating mga pagtitipon, gaya ng ginagawa ng ilan. Sa halip, palakasin natin ang loob ng isa't isa, lalo na ngayong nakikita nating malapit na ang araw ng Panginoon.
Kapatid, nararapat
lamang na sikapin nating huwag lumiban o mag absent sa pagdalo sa ating mga
pananambahan. Ang hindi pagdalo ay
nangangahulugan na paglabag sa talatang ito na ating nabasa sa Hebreo 10:25.
PAG-AARALAN NG SALITA NG DIOS SA PANAHON NG PAGTITIPON:
Ang isa sa mga pangunahing programa ng mga
pagtitipon ng mga Cristiano ay ang pag-aaralan ng mga salita ng Diyos. Ang Salita ng Diyos ang siyang pinaghuhugutan
natin ng lakas ng loob at ng mga tunay na aral ng Diyos. Ang Salita ng Diyos
ang tunay na makapagpapalago sa ating kaligtasan…
1Pe 2:2 Gaya ng mga sanggol na bagong silang ay mithiin ninyo ang malinis na espirituwal na gatas, upang sa pamamagitan nito'y lumago kayo tungo sa kaligtasan,
Tingnan natin ang ilang punto ng talata ng Biblia
na ating binasa sa 1Pedro 2:2. “Gaya
ng mga sanggol na bagong silang” - ang literal na sanggol na bagong silang ay
mabubuhay sa pamamagitan ng gatas, lalo na ng gatas ng kanyang ina. Ang gatas ng ina ay tunay na purong gatas na
walang halo di tulad ng mga gatas na galing sa lata o mga artificial “infant
formulas”. Ang mga infant formulas ay nakatutulong din lalo na
kung talagang walang gatas na maibigay ang ina sa bagong panganak na
sanggol. Wika nga, mabuti na yun kaysa
sa walang mainom o makain ang sanggol.
Gatas ay improtante upang ma-survive ng sanggol ang kanyang buhay at
siya ay maging ganap na tao.
Diyan ikinumpara ni Pedro ang pangangailangan natin
ng Salita ng Dios. Kailangan natin ang
sinasabi niyang “malinis na espirituwal na gatas”, upang tayo ay lumago tungo sa kaligtasan. Ano po ba ang tinutukoy na “malinis
na espirituwal na gatas”? Ito
ang salita ng Diyos. Kaya nga sa
pagkakasalin ng Biblia sa New American Standard Bible, ay ganito po ang
pagkakasulat….
1Pe 2:2 like newborn babies, long for the pure milk of the word so that by it you may grow in respect to salvation ,
“pure milk
of the word”. Salita ng
Diyos ang tinutukoy dito na malinis na
espirituwal na gatas na nararapat mithiin ng bawat isang Cristiano upang lumago
tungo sa kaligtasan. Salita ng Diyos ang
pagkain ng ating mga kaluluwa na kung wala ito, gaya ng isang sanggol na bagong
silang ay ay hindi tayo magkakaroon ng isang malusog na pangangatawan. Ang Salita ng Dios ay napakaimportante upang
tayong mga mananampalataya ay tumibay at lumago sa ating pagkakilala sa
Diyos.
Kaya nga kapatid, bigyan mo ng halaga ang iyong
pagdalo sa mga pagtitipon dahil lubhang kailangan mo ito upang ikaw ay lumalim,
lumago at tumibay sa iyong pananalig kay Cristo.
No comments:
Post a Comment