Ang Pagtitipon ng mga Cristiano

Ang Pagtitipon ng mga Cristiano




Ang pagtitipon ng mga Cristiano ay mahalaga dahil kung hindi ay hindi na sana iniutos ito sa Biblia at ang mga unang Cristiano sa Biblia ay hindi na sana nagtipon.

Ang pagtitipon na ating tinutukoy ngayon ay pangkaraniwang tinatawag, sa ating panahon, na Pananambahan na ginaganap pangkaraniwan tuwing araw ng Linggo.  May mga local congregation o churches naman na isinasagawa ito ng ibang araw bukod sa araw ng Linggo. Ang iba ay tinawag nila itong Sunday Worship Services, Worship Service, Pagsamba at iba pa.  Anoman ang katawagan dito ay hindi na marahil pagtatalunan.  Ang mahalaga ay nagsasagawa ng pagtitipon ang mga Lokal Churches.

Bakit ba mahalaga ang patuloy na pagdalo ng mga Cristiano sa mga pagtitipon?  Ito ba ay utos mula sa Dios?  Dapat ba nating pabayaan ang pagdalo sa mga pagtitipon?  Ikaw ba kapatid at kaibigan, dumadalo ka ba sa mga pagtitipon ng inyong church?  Madalas ka bang mag-absent?  Mahalaga ba sa iyo ang pagdalo.  Ito ba ay naging bahagi na ng iyong buhay?  Ano ang iyong pananaw tungkol dito?

Pag-aralan po natin ang ilang mahahalagang pagtuturo ng Biblia tungkol sa pagdalo ng mga Cristiano sa mga pananamabahan at pagtitipon:

UNA:  Dapat nating tanggapin na ang pagdalo sa pagtitipon ay utos at aral ng Dios sa panahong Cristiano o sa Bagong Tipan.  Mababasa po natin ito sa Bagong Tipan, dito po sa Hebreo 10:25 ay ganito po ang sinasabi: (Ang Biblia)

Heb 10:25  na huwag nating pabayaan ang ating pagtitipon, gaya ng ugali ng iba, kundi palakasin ang loob ng isa't isa, lalung-lalo na kapag inyong nakikita na papalapit na ang Araw.

Ang sabi po ay “huwag nating pabayaan ang ating pagtitipon”.  Sa papaanong paraan na napababayaan ng isang kapatid ang pagtitipon?  Ang ating nakikitang pangunahing paraan ng pagpapabaya sa ating pagtitipon ay ang pagliban o pag-absent o hindi pagdalo.  Kaya nga nang isalin ito sa Revised Tagalog Popular Version ay ganito ang naisulat:

Heb 10:25  Huwag nating kaliligtaan ang pagdalo sa ating mga pagtitipon, gaya ng ginagawa ng ilan. Sa halip, palakasin natin ang loob ng isa't isa, lalo na ngayong nakikita nating malapit na ang araw ng Panginoon.

Kapatid, nararapat lamang na sikapin nating huwag lumiban o mag absent sa pagdalo sa ating mga pananambahan.  Ang hindi pagdalo ay nangangahulugan na paglabag sa talatang ito na ating nabasa sa Hebreo 10:25.

PAG-AARALAN NG SALITA NG DIOS SA PANAHON NG PAGTITIPON:

Ang isa sa mga pangunahing programa ng mga pagtitipon ng mga Cristiano ay ang pag-aaralan ng mga salita ng Diyos.  Ang Salita ng Diyos ang siyang pinaghuhugutan natin ng lakas ng loob at ng mga tunay na aral ng Diyos. Ang Salita ng Diyos ang tunay na makapagpapalago sa ating kaligtasan…

1Pe 2:2  Gaya ng mga sanggol na bagong silang ay mithiin ninyo ang malinis na espirituwal na gatas, upang sa pamamagitan nito'y lumago kayo tungo sa kaligtasan,

Tingnan natin ang ilang punto ng talata ng Biblia na ating binasa sa 1Pedro 2:2.  “Gaya ng mga sanggol na bagong silang” -  ang literal na sanggol na bagong silang ay mabubuhay sa pamamagitan ng gatas, lalo na ng gatas ng kanyang ina.  Ang gatas ng ina ay tunay na purong gatas na walang halo di tulad ng mga gatas na galing sa lata o mga artificial “infant formulas”.  Ang mga  infant formulas ay nakatutulong din lalo na kung talagang walang gatas na maibigay ang ina sa bagong panganak na sanggol.  Wika nga, mabuti na yun kaysa sa walang mainom o makain ang sanggol.  Gatas ay improtante upang ma-survive ng sanggol ang kanyang buhay at siya ay maging ganap na tao.
Diyan ikinumpara ni Pedro ang pangangailangan natin ng Salita ng Dios.  Kailangan natin ang sinasabi niyang “malinis na espirituwal na gatas”, upang  tayo ay lumago tungo sa kaligtasan.  Ano po ba ang tinutukoy na “malinis na espirituwal na gatas”?  Ito ang salita ng Diyos.  Kaya nga sa pagkakasalin ng Biblia sa New American Standard Bible, ay ganito po ang pagkakasulat….

1Pe 2:2  like newborn  babies, long  for the pure  milk of the word so that by it you may grow in respect to salvation ,

“pure  milk  of the word”.  Salita ng Diyos  ang tinutukoy dito na malinis na espirituwal na gatas na nararapat mithiin ng bawat isang Cristiano upang lumago tungo sa kaligtasan.  Salita ng Diyos ang pagkain ng ating mga kaluluwa na kung wala ito, gaya ng isang sanggol na bagong silang ay ay hindi tayo magkakaroon ng isang malusog na pangangatawan.  Ang Salita ng Dios ay napakaimportante upang tayong mga mananampalataya ay tumibay at lumago sa ating pagkakilala sa Diyos. 

Kaya nga kapatid, bigyan mo ng halaga ang iyong pagdalo sa mga pagtitipon dahil lubhang kailangan mo ito upang ikaw ay lumalim, lumago at tumibay sa iyong pananalig kay Cristo.



Gospel Video Clips

Sampung Utos Dagdag Bawas


Ang orihinal na Sampung Utos (Ten Commandments) ay ibinigay ng Diyos sa bayang Israel sa Matandang Tipan nuong panahon ni Moises ay ito ay nakatala sa Exodo 20.  Lahat ng salin ng Biblia ay pare-pareho lamang ang nakasulat maging sa mga salin ng Biblia na tinatanggap ng simbahang katoliko.  Suriin natin kung paano pinalitan ng simbahang Katoliko ang una at ikalawang utos na maging sa kanilang tinatanggap na salin ng Biblia ay sumasalungat. 


One Verse Evangelism (Tagalog) John 3:16

Ito ay isang gabay sa pagmimisyon ng mga mananampalataya upang makapag-akay ng mga hindi mananampalataya.  Isang maikling pamamaraan na maaring magamit bilang pasimula ng pagpapakilala ng Ebanghelyo.


Pagtitipon, Hindi Dapat Pabayaan

Ang Sa Diyos Ay Nakikinig Ng Mga Salita Ng Diyos

Ang sa Dios ay nakikinig ng mga salita ng Dios: dahil dito'y hindi ninyo dinirinig, sapagka't kayo'y hindi sa Dios. (Juan 8:47)

Biblia - Salita ng Diyos






The Believers



     Ang “BELIEVERS IN JESUS CHRIST THE LORD CONGREGATION” o KALIPUNAN NG MGA MANANAMPALATAYA KAY JESU-CRISTONG PANGINOON, ay isang grupo o kalipunan ng mga tao na sumasampalataya sa ating Panginoong Jesucristo.  Ang sa atin ay isang pangrelihiyong kalipunan o grupo, na katulad at bahagi lamang ng kabuuang katawan ng lahat ng mga mananampalataya, na siyang iglesiyang itinatag ng ating Panginoong Jesucristo (MATEO 16:18).

     Ito ay hindi nangangahulugan na tayo lamang ang tanging mga tao sa sanglibutan na sumasampalataya sa Kaniya.  Ang lahat ng mga tao sa sanglibutan, na sila na ayon sa Evangelio, sumampalataya sa ating Panginoong Jesucristo, ay mga tinawag ng Dios sa pakikisama sa Kaniyang Anak at upang matamo ang kaluwalhatian ng ating Panginoong Jesucristo.  Ating kinikilala at tinatanggap na bukod sa atin ay may iba pang mga tao sa buong sanglibutan na sumasamplataya sa ating Panginoong Jesucristo dahil sa sinasabi ng Biblia:

Juan 3:16  Sapagka't gayon na lamang ang pagsinta ng Dios sa sanglibutan, na ibinigay niya ang kaniyang bugtong na Anak, upang ang sinomang sa kaniya'y sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.

     “...UPANG ANG SANGLIBUTAN AY SUMAMPALATAYA 
NA IKAW ANG NAGSUGO SA AKIN.”  (JUAN 17:21).